Una sa Balita

CebuPac-Gokongwei nagdamot sa mga pasahero

By
0 1,447

NANINDIGAN ang budget airline Cebu Pacific (CEB) nitong Sabado na mahigpit nilang ipa­tutupad ang one hand-carry baggage policy simula Hulyo 19.

Inanunsiyo ng kompanyang pag-aari ng pamilya Gokongwei ang paghihigpit sa bagahe ng mga pasahero, kasabay ng paglalabas ng mga guideline sa nasabing policy.

Ayon kay CEB spokesperson Charo Lagamon, bagama’t matagal nang pinaiiral ang one-hand carry baggage policy, ay marami namang pasahero ang hindi sumusunod dito.

Sa ilalim ng nasabing policy, sinabi ni Laga­mon na ang pasahero ay maaari lang magdala ng hand-carry baggage na ang timbang ay hindi lalampas sa 7 kilo at ang sukat nito ay 56 cm. x 36 cm. x 23 cm. lang ang pinakamalaki at kailangang kumasya sa overhead bin.

Kung may bitbit na laptop ang pasahero, pinapayagan naman ito ng airline dahil pasok ito sa ‘one additional small bag’ ng bawat pasahero subalit ito’y hindi dapat lalampas sa sukat na 35 cm. x 20 cm. x 20 cm at kaila­ngang kumasya sa ilalim ng passenger seat.

Nilinaw din ng CEB na pinapayagan ang pagbitbit ng mga bagay na binili sa airport, kasama na ang tungkod at fordable walkers.

Karaniwang pinababayaran sa pasahero ang sobrang bagahe sa eroplano.

Noong 2017, kumita ang CEB ng P7.91 bilyon sa kanilang ope­rasyon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy