Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu umapela sa paggamit ng motorcycle barrier

0 341

Hiniling ng Cebu Provincial Board sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) at Department of Interior and Local Government (DILG) para muling ikonsidera ang paggamit ng barrier sa mga motorsiklo na may angkas.

Noong Lunes inaprubahan ng legislative body ang resolusyon, na inisponsor ni Board Member Glenn Anthony Soco. Aniya ipapadala na ang kopya sa mga nasabing ahensya.

Nag-ugat umano ito mula sa opinyon ng mga eksperto na kinukuwestyon ang mga polisiya dahil sa safety issue.

Ang paglalagay umano ng mga barrier sap agita ng driver at angkas ay hindi nakakasunod sa aerodynamics ng motorsiklo at pagpapamaniobra ng mga rider.

Dahil dito, malalagay umano sa panganib ng aksidente sa kalsada ang mga rider.

Inaprubahan ng IATF ang prototype na disenyo na sinumite ni Bohol Governor Arthur Yap. Pero ayon kay Soco, walang naganap na konsultasyon at hindi rin umano ito dumaan sa test run. Dagdag niya, walang siyentipikong pruweba ang makasisigurado sa kaligtasan ng paggamit ng barrier, bukod pa sa mahal na pagpapakabit nito sa mga motorsiklo.

Suhestiyon niya, mas may saysay kung magsusuot na lang ng full-faced helmet, jacket, at gloves ang mga aangkas sa mototsiklo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.