Una sa Balita

Cebu press, galit kay Kim Chiu!

By
0 11

Kung totoo man ang isyu ngayon kay Kim Chiu na kasalukuyang nasa Amerika para mag-show kasama si Xian Lim, gusto pa rin naming intindihin ang side niya. May kinalaman ito diumano sa pagtanggi ni Kim na magpa-interview sa local press na nagku-cover ng Undas sa Cebu.

Tila hindi ito nagustuhan ng editor ng local publication na nega ang dating sa kanila ng naging reaksyon ng Kapamilya actress.

Para sa amin, karapatan ni Kim na tumanggi lalo na’t naroroon siya sa sementeryo for a personal purpose.

Oo nga’t public figure siya, pero, wala na ba siyang karapatang maging pribadong tao for once in her life lalo na’t nasa puntod siya ng kanyang nanay?

Kung kami nga rito, nag-aalangan pang mag-ambush interview sa mga artista lalo na’t hindi naman kami close sa kanila o ang kahit nga magpa-picture ay nagdadalawang-isip pa kaming gawin ‘yon.

May protocol kasing sinusunod ang mga artista ngayon lalo na’t may handler sila na nagta-traffic sa mga ganitong pangyayari.

Kung sinabi ni Kim na magpapaalam muna siya sa kanyang handler, tama lang ‘yong reaksyon niya. Hindi presscon o promo ang pinuntahan ni Kim kaya karapatan niyang tumanggi.

Rude na ba ang artista sa atin kapag tinanggihan o dapat pang ipagpaalam ang isang ambush interview? Para sa amin, tama lang ‘yung ginawa ni Kim.

Wala tayong karapatang mag-emote lalo na’t wala naman tayo sa tamang venue para mag-interview, noh! ‘Yun lang po!