Una sa Balita

Cebu pinalawak ang pork ban sa buong Mindanao

0 255

BUONG Mindanao na ang sakop ng pork ban na ­ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Cebu dahil sa African Swine Fever outbreak.

Sa inilabas na Executive Order No.7 ni Cebu ­Governor Gwendolyn Garcia, sa loob ng 90 araw mula ng ilabas ang kautusan, haharangin na ang ­pagpasok sa lalawigan, ng anumang produktong mula sa karne ng baboy at maging ang semen nito na galing sa Mindanao.

Kasama rin sa ban ang karne ng manok, isda at iba pang produkto na nahalo sa baboy. Dagdag dito, hindi rin maaaring magtaas ng presyo ang mga ­lokal na producer ng karne sa Cebu.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More