Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu pakakasal? Derek nag-enjoy sa ‘pamanhikan’ kina Ellen

0 58

Gusto nang hilahin ni Derek Ramsay ang araw para sa kasal nila ni Ellen Adarna. Katunayan, nag-enjoy siya sa ginanap na ‘pamamanhikan’ ng pamilya niya sa pamilya ni Ellen.

“Ellen Adarna you have a beautiful family. Mamanhikan is such a beautiful family tradition and I’m so happy we were able to get our families together before our big day!” sabi ni Derek.

Ayaw nan gang magbigay ng detalye nina Ellen at Derek sa magaganap na kasal nila. Pero, mukhang bibiglain na lang nila ang lahat at iaanunsiyo na kasal na sila.

Pero sa panahon ngayon, ang hirap kayang magtago ng kaganapan sa buhay. Dahil sa social media, dahil sa mga cellphone camera ng mga tao ngayon, ang liit-liit na ng mundo, di ba?

Anyway, excited na rin ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong sa nalalapit na kasal ng dalawa.

“Ang saya! Exciting times ahead! Congrats darlings!” sabi ni Jojie.

“Can’t wait for the big day! Your love story inspires a lot of people especially during this pandemic,” sabi ng fan na si Inday Yolie.

“Congrats and may the universe bless you a blissful and prosperous lives!” sabi naman ni Yah Olive.

May duda ang mga fan na sa Cebu pakakasal sina Ellen at Derek. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.