Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu Pacific 4 araw paralisado

0 142

Napuwersa ang Cebu Pacific na kanselahin ang 76 flight sa loob ng apat na araw, mula Enero 14 hanggang 17, dahil sa kakulangan ng mga staff na apektado ng COVID-19 pandemic.

“Cebu Pacific continues to manage the impact of COVID-19 on its workforce with employees who are eighter sick or under home quarantine,” base sa pahayag ng airline na inilabas Huwebes ng gabi.

Una na ring nagkansela ang airline ng 24 domestic at international flight noong Miyerkoles dahil sa kakulangan ng staff kasabay ng pagsirit ng mga kaso ng COVID sa bansa.

Kabilang umano sa kanseladong domestic flight ang mga biyaheng Manila-Kalibo, Manila-Naga, Katiclan, Cagayan, Iloilo, Legaspi, Butuan, Boracay, Cebu at Davao sa Enero 14 hanggang 17.

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na maaaring i-rebook ang kanilang flight sa loob ng 60 araw. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.