Una sa Balita

Cebu Pac isinumpa ng Kapamilya actor

Iboykot na ‘yan!

By
0 12,700

Hindi rin maiwasan ni Albie Casiño ang mapika sa parang normal na lang na pangyayari sa Cebu Pacific flights kung ikaw ay madalas magpa-book dito.

Pikon at buwiset nga ang Kapamilya actor dahil sa pagkaka-cancel ng kanilang flight samantalang ang ibang airlines ay lumipad.

Hindi binanggit ni Albie kung kelan nangyari ito, pero sa kanyang rant sa IG niya, sinabi niyang wala man lang daw na nag-provide sa kanila ng accommodation o meals na dapat sana ay privilege ng mga pasahero kapag may ganitong pangyayari.

Dahil nga rito, inengganyo niya ang kanyang mga kaibigan at kapamilya na huwag nang sumakay sa airlines na ito, at pati rin siya ay diretsahang sinabi na huling sakay na niya ito dito.

Dahil sa rant niyang ito, sumunod ang maraming netizens sa pagsasabing pareho-pareho sila ng karanasan sa airlines na ito.

Kami rin, noh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy