Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu night club kinandado

0 113

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang special permit ng isang nightclub sa Barangay Kamputhaw kasunod ng paglabag umano nito sa mga minimum health protocol habang may pandemyang COVID-19.

Sa report, sinabi ng Business Permit and Licensing Office ng lungsod na binigay na nila ang show cause order sa ClubHolic noong Mayo 14.

Taliwas sa permit nito bilang isang restobar, nag-operate ang ClubHolic bilang nightclub kung saan pinapayagan ang mga customer na sumayaw at hindi na napapanatili ang social distancing.

Mananatiling suspendido ang special permit ng club hangga’t hindi pa rin ginagawang restobar ang gusali, dagdag ng Cebu City BPLO, at pinagbawalan din itong magbenta ng alak.

Sa Facebook post, sinabi ng pamunuan ng club na susunod sila sa rekomendasyon ng siyudad.

Ang Cebu City ay nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) kung saan bawal pa ring magbukas ang mga bar at night club. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.