Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu ‘di na hihingi ng swab result sa mga turista

0 67

Padadaliin ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang pagpasok ng mga turista sa probinsya.

Ayon ito kay Governor Gwendolyn Garcia, kasabay ng pagtutol sa rekomendasyong isailalim muli sa lockdown ang Cebu habang sumisirit ang mga kaso ng COVID-19.

Aniya, gagawing hindi mandatory ang pagpresenta ng COVID-19 swab test ng mga bibisita sa Cebu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kailangan lang aniya para sa mga gustong maging turista sa Cebu ay medical certificate ng doktor at prebooking ng accommodation. Simula Martes, Pebrero 23, opisyal nang bubuksan ang Cebu sa mga domestic tourist, ani Garcia.

Ang negatibong coronavirus swab test ay kabilang sa mga requirement para sa mga gagala sa halos lahat ng iba pang tourist spot sa bansa. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.