Una sa Balita

Cebu City borders, ikakandado sa Lunes

0 377

Agarang ipasasara ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ang mga borders ng Cebu City sa Balamban at Toledo City sa western part ng Cebu; Mandaue City at Compostela sa north, at ang Talisay City sa southern part dahil sa posibleng pagdami ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (Covid-19).

Ito ay dahil na rin sa umabot na sa 12 ang kumpirmadong may positive cases sa Visayas base na rin sa report ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sub-national laboratory na nagsasagawa ng Covid-19 test.

Maglalabas ng executive order si Gov. Garcia at magsisimula ang pagsasara sa Lunes, March 30.

Base sa situational report ng DOH sa Central Visayas, mayroon ng 129 katao ang nakararanas ng severe acute respiratory infection (Sari) kung saan 127 ay naka-confine ngayon sa hospital habang ang dalawa ay isinasailalim sa home isolation.

Nakapagtala naman ang DOH 7 ng 1,201 persons with influenza-like illnesses (ILI) habang nasa 15,856 ang persons under monitoring (PUM).

Kaya naman mahigpit na ipinatutupad ngayon ng Cebu Provincial Government ang pagpasok ng mga Cebuano sa iba’ ibang bahagi ng Cebu dahil sisimulan na ang province-wide lockdown kung saan papayagan lamang ang mga medical personnel, emergency response units at members ng media na makapasok sa bawat borders. (Vick Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More