Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cebu archbishop namumuro maging santo

0 250

Inaprubahan ng Theological Commission of the Congregation for the Causes of Saints sa Vatican ang mga naging ambag ni dating Archbishop Teofilo Camomot sa Simbahang Katolika na isa sa mga daan para ito ay kilalaning santo.

Si Archbishop Camomot ay tubong Carcar City sa Cebu at pumanaw noong Setyembre 27, 1988.

Nakilala si Camomot bilang auxiliary bishop ng Jaro, Iloilo at coadjutor archbishop ng Cagayan de Oro.

Ayon sa Archdiocese of Cebu na isa sa mga nanguna para ma-canonize si Camomot, nakakuha ang yumaong arsobispo ng siyam na boto mula sa siyam na miyembro ng nasabing komisyon.

“With this favorable outcome, the Cause of Beatification and Canonization of Bishop Camomot will be forwarded for further examination to the Commission of Bishops and Cardinals of the said Congregation,” pahayag ng Archdiocese of Cebu.

Kapag natapos umano ang pag-aaral ng komisyon ay ihaharap ito sa Santo Papa para aprubahan at maikokonsidera na si Bishop Camomot bilang ‘venerable’. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.