CEASEFIRE…sa impeachments!

By

Sa katwirang gulo lamang ang hatid ng impeachment, hinimok ng isang mambabatas ang grupo ni Magdalo Rep. Gary Alejano na iurong na ang reklamong inihain nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ay iatras na umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang banta nitong maghain din ng impeachment complaint laban ­naman kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, dapat ay magkaroon ng moratorium o ceasefire sa impeachment.

“Wala pa naman din isang taon sa pwesto ang mga kasalukuyang halal na opisyal,” pahayag ni Batocabe.


SHARE