Una sa Balita

CDM Ramirez ipinakita ang mga SEA Games venue

0 251

BINISITA nina Team Philippines Chef de Mission William I. Ramirez kasama sina Deputy Chefs de Mission Stephen Fernandez, Mon Fernandez, Charles Maxey at Arnold Agustin ang mga ginaga­wang competition venues para sa isasagawa na 30th Southeast Asian Games sa Subic, Zambales at New Clark City sa Capas, Tarlac.

Unang binisita nina Ramirez ang Subic Boardwalk na lugar para sa Triathlon, Dua­thlon, Open Water Swim at Modern Pentathlon bago pumunta sa Subic covered court gym na paggaganapan ng Sepak Takraw at Subic Tennis Courts na siyang magho-host sa beach handball at beach volleyball.

Binisita din ng dele­gasyon ang Subic Bay Exhibition and Convention Center (SBECC) na paglalaruan ng Muay, Pencak Silat at Table Tennis events. “We are thankful to the President for supporting Philippine sports,” sabi ni Ramirez.

Huling dinalaw ng grupo ang New Clark City na kinabibilangan ng Athletics Stadium at Aquatic Center na nakatakda na sertipikahan ng IAAF at FINA sa katapusan ng buwan bilang Class 1 sports venues.

“We will continue to update the President, through Executive Secretary Salvador Medial­dea and Committee on Sports Chairman Sen. Bong Go on the developments of these competition venues in both Subic and Clark,” sabi ni Ramirez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy