Una sa Balita

CBCP umaray sa sex scandal ng pari

By
0 547

NANINDIGAN ang mga Katolikong obispo sa bansa na hindi dapat nagkaroon ng pagtata­kip sa mga kaso ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Simbahan.

Ang pahayag ay inilabas ni Catholic Bishops’ Conference of the Phi­lippines (CBCP) President at Davao Archbi­shop Romulo Valles kasunod ng mga ulat kaugnay ng sekswal na pang-aabuso ng isang kardinal sa Estados Unidos.

Ayon kay Valles, nasasaktan at nahihiya ang Simbahan sa eskandalo at ang sakit ay mas na­ging malala dahil sa pagtatakip sa mga pang-aabuso.

Abante Hiring – IT dep

Nanindigan din si Valles na kinakailangang panagutin ang mga ala­gad ng Simbahan na mapapatunayang nangmolestiya.

Kasabay nito, nanawagan din ang CBCP sa mga Katoliko na magdasal at mag-ayuno.

“This is something that we can organize and do in our dioceses and parishes, in our religious communities, and in our BECs (Basic Ecclesial Communities),” dagdag ni Valles. ­