Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CBCP: Tagle nahawa sa eroplano

0 87

Malaki ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang new coronavirus sa eroplano o sa paliparan.

Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nagnegatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.

Posibleng hindi maiwasan ni Tagle ang makipaghalubilo sa mga tao, bilang kilalang mataas na opisyal sa Vatican.

Nalaman na umuwi sa Pilipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus, Cavite pero hindi pa niya ito magagawa dahil kinakailangan munang sumailalim sa 14-day quarantine.

Nabatid na asymptomatic naman ang Kardinal o walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19.

Gayunman,patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa pahgaling ni Cardinal Tagle.

Sa hanay ng CBCP, lima na ang dinapuan ng naturang sakit,kabilang na ang namayapang si Emeritus Archishop Oscar Cruz.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.