Una sa Balita

CBCP mangongolekta para sa mga biktima ng Bulkang Taal

0 310

MAGPAPATUPAD ng second collection ang ­Simbahang Katoliko para matulungan ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa inilabas Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na Circular Letter ng ­Archdiocese of Manila, inaatasan ni Tagle ang lahat ng ­Parish Priest, Rector at Chaplain na magsagawa ng ­second collection sa lahat ng banal na misa na ­idaraos sa kanilang mga Parokya simula Enero 18 ng gabi at buong araw ng Enero 19, kasabay ng Holy ­Childhood Sunday.

Ang malilikom na donasyon ay isusumite sa ­Arzobisado De Manila hanggang sa Enero 22 upang maipaabot sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

“In solidarity with our brothers and sisters who are affected by the eruption of Taal Volcano, His Eminence Cardinal Luis Antonio G. Tagle requests that a second collection be taken at all Masses from the evening of Saturday, January 18, and whole day of Sunday, January 19,” base sa circular na ­pirmado ni Fr. Reginald Malicdem na chancellor ng Archdiocese.

Ang ilang simbahan sa Tagaytay at Batangas ay binuksan para tuluyan ng mga nagsilikas na mamamayan. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More