Una sa Balita

CBCP: Legal separation amiyendahan kesa divorce ipilit

0 269

MATIGAS ang posisyon ng Simbahang Katolika sa pagtutol laban sa panukalang divorce na kasalukuyang dinidinig sa Senado.

Nanindigan si Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs na hindi maaring paghiwalayin ng sinuman ang pinag-isa ng Diyos.

Binigyan diin ng pari na mayroong mga legal na paraan na sang-ayon din sa katuruan ng simbahan para pangalagaan ang karapatan at kaligtasan ng mag-asawa tulad ng legal separation at annulment.

Aniya sa kanyang pananaw, marami nang legal na proseso na maaring i-avail ng mga mag-asawa. Pero bakit hindi nila nirereporma ang mga legal process na ito para umakma sa pangangailangan ng tao, ayon pa sa pari. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy