Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CBCP, INC agawan sa Channel 2

0 769

Magiging mahigpit na magkaribal ang Catholic Bishop Conference of the Philippines(CBCP) at Iglesia ni Cristo (INC) sa nabakanteng frequency ng Channel 2.

Nabatid na “open secret” na ang kagustuhan ng INC na masungkit ang channel 2 frequency ,pero maging ang Simbahang Katoliko ay umaasam rin na makukuha ang frequency.

Ang espekulasyon ay lumutang kasunod nang ginawang pagbasura, kamakalawa ng Kongreso sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa 25 taong prankisa.

Sa report ng online news Politiko, isang source mula sa National Telecommunications Commission (NTC), ang nagkumpirmang namumuro ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na makuha ang frequency ng ABS-CBN.

Ang CBCP ang nagpapatakbo ng Catholic Media Network, na sa ngayon ay mayroong 29 AM station at 33 FM station sa buong bansa, kung saan ang Radyo Veritas ang kanilang flagship station at matagal na rin umanong nag-aasam na mapasok ang mundo ng telebisyon.

Bukod dito, tinuturing na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang presidente ng CBCP na si Davao Archbishop Romulo Valles.

Matatandaang sa inagurasyon noong maging Presidente si Duterte, at pagbinyag sa apo ng Pangulo noong 2017 ay naroon ang arsobispo.

Maliban sa CBCP, pinangalan din ng source ang Manila Broadcasting Corp. na isa sa mga nakaabang sa frequency ng Dos.

Nilinaw naman ng source na hindi pinapa-bid ang mga frequency para sa digital terrestrial television broadcast service, at ina-assign base sa legal, technical at financial capacity ng magiging may-ari ng prangkisa.( Juliet de Loza-Cudia/RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.