Una sa Balita

CBCP dismayado sa Veloso case

By
0 72

Dismayado ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Court of Appeals (CA) sa naging desisyon nito na pigilang tumestigo sa korte ang drug convicted na si Mary Jane Veloso laban sa mga illegal recruiters nito.

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Commission on Migrants and Itinerant People, na ang ginawa ng CA ay makakasama sa kasong kinakaharap ni Veloso sa Indonesian court upang mapawalang-sala ito sa parusang kamatayan.

“What the CA did was depressing and disappointing. Their decision just leads to uncertainty of the case and longer suffering of Mary Jane,” sabi ni Santos.

Magugunitang nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Eleventh Division ng CA laban sa Nueva Ecija court na magsagawa ng pagdinig sa magiging testimonya ni Veloso sa pamamagitan ng written deposition.

Kinatigan ng appellate court ang mosyon ng mga akusadong sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na pigilan si Veloso na tumestigo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy