Una sa Balita

Cayetano tatalupan ng Kongreso sa passport syndicate

Appointment slot binebenta ng P4,000!

By
0 8,869

Pinagpapaliwanag ng isang mambabatas sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa problema ng pag-iisyu ng pasaporte at posibleng pagsasamantala ng ilang sindikato sa situwasyon.

Ayon kay Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo, kinakaila­ngang ipaliwanag at bigyang-linaw ng DFA na nasa ilalim ng pamumuno ni Secretary Alan Peter Cayeteno ang kontrobersiya.

“I will be asking the DFA for a report to see if there’s a need for the House to investigate this issue,” pahayag ni Castelo.

Nauna nang pinayuhan ni DFA Assistant Secretary Frank Cimafranca ang mga magre-renew ng pasaporte na huwag nang tangkilikin ang iniaalok ng mga travel agency dahil binawi na umano ang pribilehiyo ng mga ito.
Pero batay kay Castelo, hindi sapat ang simpleng pag-abiso sa publiko.
Kinakailangan ani­­­yang aktuhan ang reklamo ng mga kababayan sapagkat posibleng mayroong mga sindikato na magsasamantala sa kakulangan ng kakayahan ng DFA na matugunan ang demand sa pag-iisyu ng mga pasaporte.

Hiniling ni Castelo sa DFA na imbestigahan ang ilang travel agencies na nagbebenta umano ng January appointment slots sa halagang P4,000.

Hindi malayong mabiktima ng ganitong klase ng pagsasamantala ang mga kababa­yang overseas Filipino workers (OFWs) kaya umapela si Castelo sa DFA na bumuo ng isang special lane na laan sa mga bagong bayani.

“Please don’t make passport renewal difficult for OFWs especially those who are in the country for a short vacation and who need to return soon to the countries where they are working,” hirit ng solon sa DFA.

Inirekomenda ni Castelo na siya ring vice chair ng House committee for OFWs sa DFA na gumawa ng isang special link sa kanilang online appointment system na laan lamang sa mga Pinoy worker sa abroad.

“They should have the option to make online appointments instead of going directly to the DFA office to renew their passport as advised by Cimafranca. One will never know how long the line would be so there is no guarantee that they can be attended to once they go to the DFA,” ani Castelo.

Kaya naman nagpahayag ng pag-aalala si Castelo kung bakit hindi na-anticipate ng DFA ang naturang demand gayung nasa kanila ang lahat ng kaparaanan para gawin ito.

Naging sentro ng kontrobersiya ang DFA bunsod ng pahirapang pagkuha ng online appointment.