Una sa Balita

Cayetano supalpal kina Lacson, Sotto

0 883

BARADO ng ilang senador ang pahayag ni Speaker Alan Peter Ca­yetano na labag sa Konstitusyon ang gagawing pagdinig ng Senate public services committee sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation sa Lunes.

“Not at all. Besides, the hearing is focused on the resolutions filed re: ABS not whether we should approve its franchise or not,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III sa mga reporter.

“A committee report becomes Senate business. Committee chairpersons are authorized to hear what their committee thinks should be heard. It remains their committee business,” dagdag pa nito.

Sabi naman ni Senador Panfilo Lacson, wala namang gagawing paglabag ang Senado dahil magsasagawa lang sila ng pagdinig. Ang masama aniya ay kung magsusumite ang chair ng Senate public services committee na si Sen. Grace Poe ng committee report para pagdebatehan na sa floor.

Giit naman ni Senador Francis Pangilinan, hindi iligal ang gagawing pagdinig ng Senado dahil ang mahalaga, hindi aaprubahan ng Senado ang anumang committee report hangga’t hindi nila natatanggap kung ano ang rekomendasyon ng Kamara.

“Parliamentary practice plus our own rules allows it. Hindi totoong unconstitutional or iligal ‘yung hearing sa Lunes. What’s important he says is that the senate will not ‘approve’ any committee report until the Lower House comes out with its own recommendation first,” sabi ni Pangilinan.

“Saan ba ang venue ng franchise? ‘Di ba sa Kongreso? Sa Senado at sa House of Reps? Dapat silang bigyan ng venue dahil kami ang mag-aapruba ng kanilang prangkisa,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay dating Senador Antonio Trillanes IV, hindi dapat paniwalaan si Cayetano dahil sa sampung sinabi nito, labing-isa ang kasinungalingan.
“Huwag kayong maniwala diyan kay Cayetano. Sa sampung sinabi niyan, labing-isa ang kasinungalingan… kasi gusto niyang i-monopolize ang hearings,” sabi pa ni Trillanes.

Channel 2 posibleng mawala sa mga Lopez – Nograles
Posible umanong mawala sa ABS-CBN na pag-aari ng pamilya Lopez ang channel 2 frequency sa sandaling hindi ito makapag-renew ng prangkisa bago matapos ang Marso, ayon kay party-list Rep. Jericho Nograles.

Sinabi ito ni Nograles sa Nanka Media Forum sa Quezon City matapos na tanungin kung maaaring ibigay ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ibang franchise holder ang channel 2 frequency ng mga Lopez kapag napaso na ang kasalukuyang congressional franchise sa ilalim ng Republic Act No. 7966.

“I think in theory puwedeng ibigay sa ibang franchise holders,” sabi ni Nograles.

Bagama’t ang Kongreso lamang ang tanging may kapangyarihang magkaloob ng legislative franchise sa mga private media entities gaya ng Kapamilya network, mandato ng NTC na mag-assign ng specific spectrum o frequency sa sa mga TV at radio station na may prangkisa.

Sa ilalim ng Executive Order No. 546 series of 1979, tungkulin ng NTC na “grant exclusive power to grant permits for the use of radio frequencies for wireless telephone and telegraph systems and radio communication systems including amateur radio stations and radio and television broadcasting systems.”

“NTC is also mandated to sub-allocate series of frequencies of bands allocated by the International Telecommunications Union to the specific services,” sabi pa ni Nograles.

“Meron po tayong ugnayan sa NTC na gagawin na habang naghi-hearing kami o habang pending sa amin, hindi magsasara,” sabi pa nito.

Nangyari na umano sa kalabanan nitong GMA-7 network at Radyo Veritas ng Simbahang Katolika na pinayagan ng NTC na makapagpatuloy ng operasyon sa kabila ng expired na prangkisa at nakakuha lamang makaraan ang ilang buwan.
Gayunman, hindi umano makakakilos ang NTC sa anumang spectrum o channel application nang walang balidong congressional franchise.

“There are precedents, but not exact precedents. Again pagdating sa congressional franchises and in the realm of the NTC, everything is a ‘case to case’ basis,” diin ni Nograles. (JC Cahinhinan/Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More