Una sa Balita

Cayetano nganga sa term extension

0 414

WALANG maaasahang tulong si House Speake­r Alan Peter Cayetano mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng term extension.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi makikialam si Pangulong Duterte sa kahili­ngan ng ilang kongresista na paabutin hanggang Hun­yo 2022 ang termino ni Cayetano bilang House Speaker.

Matatandaan na pinagkasundo ni Pangulong Duterte sina Caye­tano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa term sharing kung saan unang maninil­bihan ng 15 buwan si Cayetano at ang nalalabi ay si Velasco na.

“Again, that is between the members of Congress; we will not interfere,” diin ni Panelo.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na posibleng hindi na masunod ang kasunduan nina Cayetano at Velasco dahil sa mataas na trust at approval ratin­g ng Taguig solon.

Base sa pinakahu­ling Pulse Asia survey, si Cayetano ay nakatanggap ng 64% approval rating at 62% trust ratin­g.

“They’re entitled to their perception – it may be true, it may not be true. But as far as the President is concerned, he does not want to interfere in any act or measure or acti­vity in a co-equal branch. The only reason why he made a proposal is because his suggestion was sought by those contending persons for the Speakership,” sagot naman ni Panelo.
Tinukuran din ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pahayag ni Barzaga.

“Why would we change the direction and draft of Congress and our country when we are doing well?” katuwiran ni Defensor.

“Kung ang Pangulo natin e playing coach ng basketball team at si Speaker eh forward, hindi naman siya power forward, forward lang o guard, eh siya naman ang pumupuntos sa ngayon bakit mo tatanggalin at ibabangko mo?” dagdag pa niya.

Binanggit pa ni Defensor na imbes na mu­ling pag-usapan ang term sharing deal, makabubuting ipagpatuloy na lang ng mga kongresista ang kanilang trabaho upang makamit ang legis­lative agenda ng administrasyong Duterte.

“Sa akin for the be­nefit of national inte­rest, the leadership of Speaker Alan Cayetano, Congressman Martin Romualdez, the Chairmen of the different Committees, iyong mga critical natin diyan: the Ways and Means, Appropriations, Games and Amusements—they are all doing very well.”

Sinabi naman ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na kaila­ngang bumaba muna sa puwesto ni Caye­tano bago magkaroon ng botohan ng bagong Speaker sa susunod na taon.

Aniya, ang term sharin­g deal ay verbal agreement lang at hindi pirmado nina Cayetano at Velasco. (Prince Golez/JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy