Una sa Balita

Cayetano nagbayad-utang

0 263

AMINADO si National Unity Party (NUP) Pre­sident at Cavite Cong. Elpidio ‘Pidi’ Barzaga na nagbabayad-utang si House Speaker Alan Peter Cayetano kaya lumobo sa halos dalawang dosena ang bilang ng mga deputy speaker sa Kamara.

Sa isang panayam ng ANC, ibinuking ni Barzaga na pinapaha­lagahan ni Cayetano ang mga kongresistang sumuporta sa kanya sa botohan noong Hulyo.
“Accommodation, but at the same time, it’s ne­cessary as far as the de­puty speakers are concern. Based on the pronouncement of the speaker, they will be gi­ven specific assignments,” paliwanag ni Barzaga.

Sa kasalukuyan ay 18 na ang inihalal ng plenaryo bilang mga deputy speaker subalit nagpahiwatig si Barzaga na maaring lumobo pa ang bilang hanggang 24.

Paliwanag ni Barzaga, nakamit ni Caye­tano ang liderato ng Mababang Kapulungan dahil sa term-sharing deal na inayos ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at hindi dahil may sapat siyang numero ng mga tagasuporta.

“Speaker Cayetano has to provide positions for all political parties, for all congressmen who are all supportive of the President,” giit ni Barzaga.
“Therefore he needs to provide some bargaining, some positions for all political parties allied with the admi­nistration in order not to antagonize them considering that there was no fight as far as the speakership is concern,” dagdag ng kongresista.

Subalit ipinagtanggol naman ni Barzaga ang desisyon ni Cayetano sa likod ng halos dalawang dosenang deputy spea­ker na pinangalanan na sa plenaryo ng Kamara.

“It is necessary for better legislation,” saad ni Barzaga.

Dagdag pa ni Barzaga, walang karadagang gastos sa kaban ng bayan kung sakaling umabot sa dalawang dosena ang bilang ng mga deputy speaker na may awtoridad biland ex-officio member ng Kamara

“(The House) won’t cost the government extra,” paliwanag ni Barzaga.
Ayon sa section 31 ng House Rules ng ika-17 Kongreso na napagkasunduang i-adopt ng plenaryo noong Hulyo, 14 na deputy speakers lamang ang pinahihintulan sa ilalim ng kasalukuyang patakaran.

Paliwanag naman ni House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez, “provisionally adopted lamang” ang House Rules ng 17th Congress. (JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy