Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cayetano: Mananalo sa eleksyon haharap sa mahirap na trabaho

0 178

Nahaharap umano sa mahirap na trabaho ang mga mananalo sa paparating na halalan.

Ayon kay dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, hindi biro ang kakaharaping problema ng mga mananalo sa halalan dahil kailangan na makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.

“Grabe ang trabaho next term. Kahit sinong manalo, dahil sa pandemic at dahil sa lahat ng recovery na kailangan, talagang all hands on deck. It’s one of those elections na kahit manalo ka, hindi ganun kadali ang trabaho,” sabi ni Cayetano.

Nagpasya umano siya na tumakbong independent sa kanyang tangka na makabalik sa Senado upang malaya siyang masuportahan at matuligsa ang mga plataporma ng mga presidential aspirant kung ano ang kanilang plano para mai-angat ang mga Pilipino.

“Napakahirap ng recovery sa next administration. We will need people who will be truly independent and speak out for the people,” sabi pa ni Cayetano.

Sa tanong kung sinong kandidato ang kanyang sinusuportahan, sinabi ni Cayetano na kaya nitong makipagtrabaho sa sinuman lalo at pamilyar siya sa karamihan ng mga tumatakbo.

Nanawagan naman ang solon ng mas maraming forum na maaaring lahukan ng lahat ng mga kandidato para mas mapakinggan ang mga ito ng publiko.

“I’d really like to have more forums. Lalo po sa radio, abot yun sa ba sulok ng ating bansa. Kasi napakaimportante na marinig talaga yung plataporma. Hindi lang yung makita yung kandidato, hindi lang yung ma-entertain, pero yung marinig talaga paano niya gagawin yung mga pinapangako niya,” dagdag pa ng solon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.