Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cayetano: Kongreso intindihin sa desisyon sa ABS-CBN franchise

0 519

Nakiusap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa madla na araling mabuti ang findings ng mga mambabatas kung bakit humantong sa desisyon na ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN.

“As the Committee members have voted to deny the franchise application, the House Leadership asks that the people read the findings carefully in order to appreciate the reasons for their decision,” saad ni Cayetano sa kanyang Facebook post.

Nitong Biyernes ay 70 mambabatas ang sumang-ayon na huwag bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, matapos ang 12 hearing tungkol sa mga pinupukol na isyu tulad ng umano’y problema sa buwis, citizenship ng ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez, at ilan pa.

“This has by no means been an easy process for anyone involved in these proceedings, and I can assure our kababayans that the final resolution was not arrived at by the Committee without serious consideration as to the overall impact it will have on the nation,” pakli ni Cayetano.

“I pray that despite our differences, we will eventually come to respect the decision of the committee and its members, and begin to move forward in rebuilding the relationships that have been strained by this issue,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Cayetano, una pa lang ay batid na nila na marami ang tututol na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN dahil sa ‘partisan nature’ ng pinagtatalunang bill.

“Because of the highly partisan nature of this issue, we accepted from the start that there would be those who will vehemently disagree with the committee’s decision, no matter what they resolve,” ayon sa House Speaker.

RP

Leave A Reply

Your email address will not be published.