Una sa Balita

Cayetano gigisahin sa ‘kalderong ginto’

0 342

Fact-finding panel binuo ng Ombudsman

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y corruption sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Ombudsman Sa­muel Martires, kasama sa iim­bestigahan si House Speaker Alan Peter Cayetano na siyang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Sinabi ni Martires sa isang ambush interview na bumuo na siya ng fact-finding panel na may pitong miyembro para mag-imbestiga sa posibleng corruption sa SEA Games.

“Kapag may nakitang ebidensiya we will be forced to file a case against those officials involved dito sa alleged corruption,” pagtiyak pa niya.
Umaabot sa P6 bilyon ang ibi­nigay sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagdaraos ng SEA Games kung saan ang P1.5 bilyon ay napunta sa Phisgoc, isang foundation na pinamumunuan ni Cayetano.

Binanggit ni Martires na hindi exempted sa imbestigasyon si Cayetano dahil kailangang isalang lahat ng opisyal ng Phisgoc.

“Hindi tayo puwedeng ma­ging selective sa ating investigation. We have to see kung anong participation ng bawat official ng Phisgoc,” diin pa ng Ombudsman.

Naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang paimbestigahan ang gastos sa hosting ng SEA Games matapos uminit ang P55 milyong halaga ng stadium cauldron na binansagang ‘kalderong ginto’. Ang cauldron ay nakatayo sa New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac na pinagawa ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) na pinamumunuan ni Vince Dizon, dating consultant ni Cayetano noong senador pa ito.

Inako na ni Cayetano ang kapalpakan sa prepasyon bago simu­lan ang SEA Games at na­ngako din itong makikipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon sa umano’y corruption ng pondo para sa pagdaraos ng biennial multi-sport event.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More