Una sa Balita

Cayetano dedma sa malaswang Christmas party sa Israel

0 5,768

Dumistansiya ang tanggapan ni Department of Foreig­n Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano sa malaswang Christmas party ng mga Filipino sa Israel na naging viral sa social media.

Sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial, nanindigan itong walang kinalaman ang embahada sa naturang event.

Bagama’t pumunta sa nasabing party sina Consul Reichel Quiñones at Cultural Attache Geraldine Gamoso, nilinaw ni Imperial na hindi alam ng dalawa na may stripper doon dahil umalis na sila bago ito magsimula.

Hindi rin umano ginawa ang party sa embahada sa Tel Aviv kundi ginawa ito sa Haifa na may isang oras ang land travel mula sa kabisera ng Israel.

Ayon sa diplomat, ang naturang party ay inorganisa ng Filipino Workers Association, Israel OFW Association at fraternity group na Israel Council.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy