Una sa Balita

Cayetano atat maging speaker

0 1,111

Kung manalo bilang ng kongresista ng Taguig-Pateros sa susunod na halalan, nais ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na ma­ging susunod ng spea­ker ng House of Representatives.

“With all humility, I will seek another term in my hometown, ­Taguig, Pateros, the district of Taguig and Pateros,” pahayag ni Cayetano sa media interview sa kanyang Facebook page.

“I will seek the lea­dership position in the House,” dagdag pa ng kalihim kasabay ng pag-aming nakausap umano niya si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanyang plano.

Pero giit nito, kailangan muna niyang maipanalo ang kanyang laban sa congressional district at makuha ang tiwala ng kanyang mga kapwa mambabatas para maging susunod na House Speaker.

“It’s a complex matter. You have to win first sa district mo and I want to focus on that first, and then you have to win the trust and confidence of the whole Congress, especially na may specific vision tayo,” sabi ni Cayetano
“This won’t be a simple entering Congress and wanting to be Speaker or wanting a new leadership, it’s how you want to pursue this vision in the next three years,” saad pa nito.