Una sa Balita

Cayco: Arellano angat sa 3 event

0 217

PUNONG-ABALA ang Arellano University sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Isa sa inaasam ng Arellano U ang masilo ang General Championship pero ayon kay NCAA Ma-nagement Committee chairman Peter Cayco ay mahirap ang labanan ngayong season.

“Wala naman masamang mangarap, pero mahirap ang labanan sa top spot dahil malalakas ang mga team na kasali,” saad ni Cayco kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila.

Magsisimula ang aksyon sa NCAA basketball sa July 7, ala-una nang hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inamin ni Cayco na malaki ang tsansa nilang makuha ang kampeonato sa football, track & field at women’s volleyball habang sisikapin naman anya nilang makilala sa men’s basketball. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy