Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cayanong sasabak sa Big Boys 6-Stag

0 199

MAKIKIPAGPUPUGAN ang mga pambatong warriors ni Ka Rex Cayanong sa magaganap na Battle of the Big Boys 6-Stag Super Big Event, Enero 27.

Iwawagayway ang entry name na Sabong On Air, makikilatis ang mga panabong ni Cayanong laban sa ibang cockers sa event ng WPC Online Sabong.

Kasama si Senator Manny Pacquiao ni Cayanong bilang combined-entry.

Makikipagsanib-puwersa si Pacquiao kay Cayanong para labanan ang malulupit na sabungero na kasali sa nasabing big event.

Ilang beses nang sumali ang Sabong On Air sa mga big events ng WPC at nasisilayan ang husay ng mga panabong ni Cayanong.

Palaging maganda ang record ng Sabong On Air tuwing mapapalaban sa sabong na pinamamahalaan ni Charlie “Atong” Ang.

Si Cayanong ang host ng Sabong On Air, katuwang din ito ng WPC at PitMaster Foundation sa pagtulong sa mga nangangailangan. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.