Una sa Balita

Cawaling, Aquino Itatayo ang ‘NE’

0 210

Mga laro ngayon: (Bulacan Capitol Gym, Malolos City)
4:00 p.m. – Caloocan vs Nueva Ecija
6:30 p.m. – Bacoor vs Quezon City
8:30 p.m. – Muntinlupa vs Bulacan

PAPAKASIGASIG sina Ricardo ‘JR’ Cawaling, Jr. at Jimbo Aquino upang putulin ang 5-game losing streak ng Nueva Ecija MiGuard kontra sa babangon din sa huling taob na Caloocan Supremos mamayang alas-4:00 ng hapon sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims sa Bulacan Capitol Gym, Malolos City.

Pangunahing tauhan ni coach Eric Gascon sina ex-pros Cawaling at Aquino na gumawa ng tig-14 markers 109-85 loss Zamboanga sa nakaraang Lunes. Nagbakas si Marlon Monte ng 12 points at si Levi dela Cruz na may 11.

Nabalewala rin ang kayod-marino ni Almond Vosotros na 19 pts., 8 rebounds at 7 assists para sa Calocan na sumubasob kontra 87-84 kontra Quezon City Capitals.

Sampukan din ang Bacoor Strikers (11-3)-QC (6-7) sa sa alas-6:30 nang gabi, at ang Bulacan Kuyas (8-5)-Muntinlupa Cagers. (Aivan Denzel Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy