Una sa Balita

Cav’s Shumpert sumailalim sa surgery

By
0 2

Bakasyon muna ng anim hanggang walong linggo si Cleveland Cavaliers guard Iman Shum­pert matapos ang isinagawang surgery sa kanyang kaliwang tuhod Biyernes, ayon sa NBA team.

Hindi nakapaglaro si Shumpert sa huling anim na asignatura sanhi ng fluid build-up sa kanyang tuhod.

Muli siyang tiningnan noong Martes ng team doctors na sina Richard Parker at James Rosneck at sumalang sa arthroscopic surgery noong Biyernes.

Inulat ng Vertical na ang pamamaraan ay para ma-repair ang maliit na meniscus tear, bagama’t hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang Cavaliers.

Si Shumpert, na hindi naglaro ng nine games ngayong season, ay may na 4.8 points, 3.1 rebounds at 1.3 assists.

Ang Cavaliers, sa pa­ngunguna ni LeBron James, ay naitarak ang 10 straight games at ikatlo sa Eastern Conference, tatlo at kalahating half games sa likuran ng conference leading Boston Celtics.