Una sa Balita

Cavs sablay rin sa Bulls

By
0 127

Nagsanib sina Dwyane Wade, Jimmy Butler at Taj Gibson ng 73 points at ipalasap ng Bulls ang ikatlong sunod na sablay ng defending champion Cleveland Cavaliers, 111-105, Sabado (Manila time) sa Chicago.

Umiskor si Butler ng 25 points sa 42 minutong pagrampa, habang nag-ambag si Wade ng 24 mula sa 11 of 23 shooting sa 37 minutong salang.

Nagdagdag si Gibson ng 23 points at 11 rebounds at nakaresbak din ang Bulls mula sa pagkatalo sa kamay ng naghihikahos ding Lakers.

Bukod ditto, may triple-double pa si Rajon Rondo – – 15 points, 12 assists at 11 rebounds.
Ito ang ika-11 panalo ng Bulls sa 18 laro.

Kumamada si LeBron James ng 27 points at 13 assists para sa Cleveland na natalo rin ng back-to-back sa kamay ng Milwaukee Bucks at Los ­Angeles Clippers.

May 20 points at eight assists si Kyrie Irving, habang 15 points mula kay Kevin Love.
Ito rin ang ika-5 talo ng Cavs sa 18 laro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy