Una sa Balita

Cavs, LeBron sa Game 3

PAPALAG!

By
0 2,994

Nakakatawa na si LeBron James pagkatapos ng praktis, Martes ng tanghali.

Pero seryoso nang pag-­usapan na ang lagay ng NBA Finals, lalo’t lubog ang kanyang Cleveland Cavaliers, 2-0, sa Golden State Warriors.

Hindi pa natatalo ang Cavs sa walong laro sa postseason sa sarili nilang teritoryo sa Quicken Loans Arena, kaya positibo si James sa susunod na dalawang laro doon, una ang Game 3 ngayon.

“I don’t like the mood that I’m in right now. There’s no, like, ‘OK, you’re down 2-0 and you feel better than when you’re down 2-0 before’,” aniya. “When you’re down like this, in a deficit like this – versus a team like this – there’s no good feeling. So I don’t feel good about it.”

Kailangang manalo ang Cavaliers sa Game 3 dahil mapapadali ang bakasyon nila kapag nabaon sa 3-0.

Nanganganib ang season ng Cavs. Sinayang nila ang 51-point performance ni James sa Game 1 na pinalala ng binaligtad na tawag ng game officials kay Le­Bron, missed free throw ni George Hill at makalaglag-­panga na blunder ni JR Smith para ­yumuko sa overtime.

Sa Game 2, hindi kinaya ng Cleveland ang Finals-record nine 3-pointer ni Stephen Curry.

Tiwala pa rin si coach Tyronn Lue na kakayanin ng Cavs na baliktarin din ang series. Plano niyang bigyan ng mas mahabang playing time si forward Rodney Hood na nawawala sa ritmo.

“We’re very confident we can do that,” giit ni Lue. “The guys are engaged and locked in. ­Winning tomorrow is a step forward, but then going out with Game 4 also.”

Tulad ng ginawa ng Warriors, poprotektahan din ng Cavs ang home court. At sa East finals, nagawa nilang umahon mula 2-0 hole para kalusin ang Boston.

“We have an opportunity to come home and protect home, as Golden State has done,” dagdag ni James. “It’s a very tall task. A very tough challenge going against these guys, going against this team.”