Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cavitex C5 link sarado ng 11 araw

0 84

Asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa bahagi ng CAVITEX C5 link hanggang sa Hulyo 3.

Ito ang inanunsiyo ng CAVITEX Infrastructure Corporation dahil sa pagsasara ng 11 araw sa dalawang lane ng CAVITEX C5 link.

Ayon sa CAVITEX Infrastructure Corporation, isasara pansamantala ang nasabing daan dahil sa gagawing road maintenance works sa eastbound at westbound lane, malapit sa Taguig Entry/Exit.

Nakaantabay naman umano ang mga traffic marshal para alalayan ang mga motoristang maapektuhan ng naturang pagkukumpuni. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.