Una sa Balita

Caviteño kulong sa pusta sa sabong

By
0 1,554

Sa kulungan ang bagsak ng isang 53-anyos na sabungero matapos tangkaing tumakas mula sa sabungan dahil sa hindi mabayarang ‘pusta’ na nagkakahalagang P26,500, kamakalawa sa Kawit, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa Kawit Municipal Police Station, nabatid na kapustahan ng suspek na si Melvin Gimang ang biktimang si Miguel Handog y Enriquez, 50-anyos, habang nasa loob ng Binakayan Cockpit Arena noong Martes ng ala-una ng tanghali sa Brgy. Pulbo­rista, Binakayan, Kawit, Cavite.

Sa malas, natalo ang manok ng suspek at kailangang bayaran nito ang halaga ng kaniyang pusta. Walang maibayad ang suspek at tinangka pang takasan ang kapustahan na biktima.

Dito na hinarang ng biktima at kaniyang mga kasama ang papatakas na suspek at tuluyang binitbit patungo sa himpilan ng pulisya.

Kasong estafa ang isinampa laban sa ­suspek.