Una sa Balita

Caviteño bumida sa SoKor world folklore

0 536

NAITAAS ng delegasyon­ ng mga folk dancer mula sa Cavite ang watawat ng Pilipinas matapos manguna sa International Dance Organization (IDO) World Folklore Festival 2019 na ginanap noong Oktubre 4-6 sa Yeongdong Complex Culture & Art Center sa Yeongdong, South Korea.

Kuminang ng husto­ ang mga Caviteño folk dancer sa dalawang kompetisyon na inor­ganisa ng Korea Dance Organization at nilahukan ng may 350 dancer.

Nakopo ng La Salle­ Filipiniana Dance Company (LSFDC) ng De La Salle University – Dasmariñas (DLSU-D) ang first place sa adult category sa sayaw ng mga taga-Kalinga mula Cordillera.

Habang ang Cavite Institute Marilag Folkdance Troupe (CIMT) naman ng Silang, Cavite ay nakakuha ng first place award sa junior category sa kanilang entry na katutubong sayaw ng mga Tboli sa South Cotabato.

Sumayaw rin ang Cavite school-based dance groups ng medley­ ng Filipino rural dances na sinaliwan ng “Kanta Pilipinas” ni Broadway star Lea Salonga.

Nag-uwi ang mga Pilipino dancer ng mga trophy at certificate para sa ginawang pagpapakita ng traditional na sayaw sa South Korea.

Samantala, ang Saint Louis University (SLU) Dance Troupe sa Baguio City ay nagprisinta rin ng mga Filipino folk dance sa South Korea sa 2019 Jinju World Folk Arts Biennale.

Kamakailan ay nag-viral naman ang video ng teenager dahil sa pagsasayaw ng tradis­yunal na tinikling sa isang debut party sa San Francisco’s Bay, California. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy