Una sa Balita

Cavite vice mayor patay sa pananambang

By
0 899

PATAY sa pananambang ang bise alkalde ng Trece Martires Cavite kahapon nang hapon

Ayon sa initial report, pinagbabaril ang biktimang si Vice Mayor Alex Lubigan bandang alas-tres nang hapon sa harap ng Korean hospital.

Sakay umano ng Sports Utility Vehicle (SUV) ang suspek na bumaril sa pickup truck na sinasakyan ni Lubigan sa Trece Martires-Indang road, ayon kay Senior Supt. William Segun, Cavite provincial director.

Agad nasawi umano ang bise alkalde.

Si Lubigan ang pangatlo sa mga opisyal ng local government na pinatay.

Nauna dito, binaril ng sniper si Tanauan Mayor Antonio Halili ng Batangas noong Lunes sa isang flag ceremony habang kinabukasan, araw ng Martes nang barilin nang malapitan si General Tinio Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija.