Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cavite, Tarlac bida sa Mars crater

0 162

Bumida ang anim na bayan sa Pilipinas nang ipangalan dito ang ilang crater sa Mars.

Ang maliliit na crater na may 50 kilometrong lapad, ay bininyagang Bacolor Crater (Pampanga), Camiling Crater (Tarlac), Daet Crater (Camarines Norte), Naic Crater (Cavite), Solano Crater (Nueva Vizcaya) at Taytay Crater (Palawan).

Sa ulat, nilinaw ng International Astronomical Union Working Group for Planetary System Nomenclature, na ang pagpapangalan sa mga crater ay hindi intensyong gunitain ang mga lugar na ginamit dito.

Isinusunod umano talaga ang mga maliliit na Mars crater sa iba’t ibang bayan sa mundo na may populasyon lamang na 100,000 o mas mababa pa habang ang malalaking crater ay ipinapangalan sa mga scientist at science fiction writer na nakapag-ambag sa pag-aaral sa Red Planet, ayon sa Gazetteer of Planetary Nomenclature of the United States Geological Survey

Maliban sa paglapag ng NASA rover sa Mars, naging headline rin ang pagkakabilang ng ilang Pilipino sa makasaysayang pag-landing ng Perseverance rover. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.