Una sa Balita

Cavite State U astig sa mga board exam

0 282

NAGPAPAMALAS ng kahu­sayan ang Cavite State University sa mga board exam ng Philippine Regulatory Commission(PRC).

Patunay ng pangingi­babaw ng CSU ay ang pagkakaroon ng pinakamataas na passing rate sa Midwifery Licensure Exam at Agriculturist Board exam kung saan ay nakopo ng mga ito ang Top 3.

Pinakahuli ay ang Criminologist Licensure Examination kung saan ay nakakuha ito ng 98.78% passing rate.

Bukod sa CSU ay kabilang rin sa Top 10 Perfor­ming Schools ang Tarlac State University (Tarlac College of Technology) 97.06; King’s College of the Philippines Inc.-Benguet,­ 96.97%; University of the Cordilleras, 96.92%; ­Laguna State Polytechnic University-San Pablo, 91.07%; State University­ (SLSCST)-SOGOD, 89.19%; University of Baguio, 86.67%; Ifugao State University – Lamut, 86.62%; University of Iloilo, 86.38%; at Data Center College of the Philippines -Laoag City, 84.06%.

Nanguna naman sa pagsusulit si Fahadale Sari­pada Abbas ng John Paul II College-Davao. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More