Una sa Balita

Cavite Martime chief timbog sa kotong

By
0 403

ARESTADO ang isang police coronel sa isi­nagawang entrapment operation ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) habang tumatanggap ng extortion money sa isang mangi­ngisda kahapon nang umaga sa Tanza, Cavite.

Hindi na nakapalag nang posasan ng mga tauhan ng PNP-CITF ang suspek na si Supt. Armandy Dimabuyo, hepe ng 402nd Cavite Maritime Police Station na matatagpuan sa Barangay Julagan V, Tanza, Cavite, dakong alas-siyete nang umaga habang tumatanggap ng halagang P18,000 marked money sa isang mangingisda bilang buwanang payola sa asosasyon ng mga mangi­ngisda sa lugar.

Ayon kay Sr. Supt. Rome Caramat, hepe ng PNP-CITF, isinagawa ang operasyon laban sa suspek matapos magreklamo ang mga may-ari ng mga bangkang de motor hinggil sa P19,000 hanggang P21,000 kada buwan na hinihingi ng opisyal sa mga fisherman association sa lugar.

Dito na ikinasa ang entrapment operation at gamit ang P18,000 marked money ay ibinigay ng isang mangingisda ang pera sa opisyal at pagtanggap nito ay saka na siya hinuli.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek na ngayon ay nakakulong sa CITF detention cell sa Camp Crame.
Samantala, dahil sa pangyayari ay sinibak naman ni Chief Supt. Rodelio Jocson, director ng Maritime Group, ang lahat ng kanyang mga tauhan sa Cavite Maritime station at pansa­mantala silang pinalitan ng Special Operation Unit ng Maritime Group.

“Ni-relieve ko lahat ng personnel ng Cavite at agad ako nagpadala ng SOU sa pamumuno ni PLt Col Gaylord Tamayo na mangasiwa habang wala pang papalit.”

Ayon kay Jocson, hindi niya kukunsintihin ang mga ganitong katiwaliang ginawa ng kanyang mga tauhan at pagdudusahan nila ang anumang parusa dahil sa kanilang ginawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy