Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cavite buy-bust kinasa, 61 binitbit

0 45

Animnapu’t isa na mga hinihinalang tulak, kabilang ang 14 kababaihan, ang binitbit ng Cavite police sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, isinagawa ang buy-bust sa pagitan ng alas-9:30 Miyerkoles ng umaga hanggang alas-2:00 Huwebes ng madaling-araw sa anim na lungsod at 10 bayan sa nasabing lalawigan.

Nanguna ang bayan ng Tanza sa pinakamaraming bilang ng mga naarestong tulak sa bilang na pito. Sumunod dito ang Cavite City, Gen. Trias City at Dasmariñas City na tig-anim, habang tig-lima naman ang Bacoor City at Naic.

Nasa tig-apat naman ang nasakote sa Trece Martires City, at Rosario; habang tig-tatlo sa Kawit, Imus City, at Silang. Tig-dalawang sinasabing tulak naman ang dina­kip sa Alfonso, Indang, at Carmona. At tig-iisa naman sa Maragondon, Tagaytay City, at General Mariano Alvarez. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.