Una sa Balita

Catriona type maging Broadway star

0 535

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPagkanta at ang maging Broadway star ang nakikitang career ni Catriona Gray kapag natapos na ang pagrereyna niya bilang Miss Universe 2018. Type ngang sundan ni Catriona ang mga yapak ni Lea Salonga, ha!

Sa homeco­ming presscon para sa Pinay beauty queen na ginanap sa ballroom ng Novotel nu’ng Miyerkoles (Feb. 20), natanong ito kung ano ang naiisip niyang gawin matapos ang Miss U reign niya. Type raw ba ni Catriona ang magkaroon ng career sa Hollywood, o Broadway kaya?

“Why not? Kung may opportunity!” sagot niya.

Sinabi niyang itutuloy niya ang pagkanta, karugtong ang pagpapatuloy niya sa kanyang mga naumpisahang advocacy.

Isang recording ar­tist si Catriona, na ang kanyang unang song na ni-record ay para sa mga less-fortunate na mga bata sa Pilipinas.

Bago pa lumaban sa Miss U last year, at nakoronahan nga, nakagawa na ng music video si Catriona na pinamagatang “We’re In This Together” na ang kikitain mula sa downloading, ay ido-donate niya sa charity.

Kaya nang matanong siya kung gusto niyang makilala naman bilang Broadway artist, nagning­ning nga ang mga mata ng Filipina-Australian at sinabing “I like that.”
Anyways, punong-puno ng kaligayahan ang puso ni Catriona sa homecoming. Sa kanyang speech, gumaralgal ang boses niya at muntik na siyang mapaluha habang ibinabahagi ang nararamdamang labis na kasiyahan sa support ng mga kapwa Pilipino sa kanya.

Mapapanood pa rin sa “Abantelliling” show namin ni Dondon Sermino, sa Abante News Online Facebook Page, Abante Tonite YouTube channel, ang kabuuang coverage ng press conference para kay Cat­riona.

Resto nina Chito, Neri muntik masunog

Muntik nang mapunta sa wala at maging abo ang kabago-bagong coffee shop/resto na itinayo ng misis ni Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda, na si Neri Naig-Miranda.

Naka-post sa Instagram ni Chito ang umuusok na fence sa harap ng resto ng kanyang misis. Sa kuwento ni Chito, nagsiga sa isang bahagi ng garden sa resto/coffee shop nila ang katiwala ng lugar na siyang dahilan ng paglaki ng apoy.

Dahil mahangin nu’ng mga sandaling ‘yun sa Tagaytay, mabilis na lumaki at kumalat ang apoy. Laking pasasa­lamat ni Chito sa buong team ng kanyang misis na umapula o pumatay kaagad sa apoy.

Binanggit din nito at pinasalamatan ang mga bumbero na agad na nagresponde para tulu­yang maapula ang apoy.

Ipinagpapasalamat din ni Chito na kur­yente lang ang nawala sa kanila at hindi ang bagong negosyo. Bagama’t, hindi agad naibalik ang kuryente, nagbukas uli sila ng kanilang resto/coffee shop kahit kandila lang muna ang ipinang-ilaw nila sa mga costumer.

Hindi lang si Chito ang humahanga sa abilidad ng kanyang asawa, kundi maging ang mga follower nila. Nagawang makapagpatayo ng iba’t ibang business ni Neri, mula sa lakas ng loob at kapasidad nito.

Siyempre, katuwang niya ang singer-hubby niya sa mga mga pangarap niya. Bukod kasi sa resto/coffee shop, nauna na ang gourmet tuyo business ni Neri, na nasundan ng bakery, ukay-ukay at pagpapagawa ng isang events place, garden.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy