Una sa Balita

Catriona tutol sa pagbaba ng criminal liability ng mga bata

0 489

Dumagsa nga ang mga tao sa parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, kesehodang sobrang init ng panahon. Matiyaga ngang nagbilad sa araw ang mga kababayan natin masaksihan lang ang historic event na ito ng ating Miss Universe.

Anyway, sa pana­yam kay Catriona, ibinahagi niya ang kanyang opinyon tungkol sa bill of lowering the age of criminal liability. Ayon sa reyna, mas mainam umano na tutukan ang dahilan kung bakit gumagawa ng krimen ang mga bata.

Tinitingnan umano ni Catriona na dahilan ang mabibigat na pinagdaraan ng mga bata kaya gumagawa ng krimen.

“I really think it’s important for us to readjust our focus to why these children are committing those crimes. I worked a lot with children and anyone knows that children are not disposed do that kind of act or to act in that kind of way,” sabi ni Cat.

Suggestion naman ni Catriona na puwede namang obserbahan, o pag-aralan ang mga nasa paligid ng mga batang sangkot sa krimen.

Dagdag pa ni Catriona, “Once you label the child in a way, as a child in conflict with the law, how are you bringing them up to see themselves or the community to see them?”

Pinunto rin ni Catriona ang mga potensyal ng mga bata na posible raw maapektuhan kung sakali nga raw na makulong o maparusahan nang hindi naa­ayon sa kanilang edad.

Giit din ng beauty queen na kung bibigyan ng pagkakataon ang mga batang magbago at tuparin ang mga pangarap, magiging masaya ang mga ito at dapat daw talaga silang mabigyan ng pagkakataon na magbago.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy