Una sa Balita

Catriona tinalbugan si Pia sa ‘pagsawsaw’ sa LGBTQ isyu

0 510

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHindi napigilan si 2018 Miss Universe Catriona Gray na sumawsaw sa isyu ng isang transgender woman na pinigilang pumasok sa restroom ng mga babae, kinaladkad, at pinosasan pa.

Nag-post si Catriona sa kanyang Instagram ng rainbow flag bilang pakikisimpatiya sa transgender woman na nakaranas ng panghihiya, pagmamaltrato sa pagnanais lang nitong gumamit ng female bathroom sa Farmer’s Plaza, Cubao, QC.

Kumpara sa post ng isa pang Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach, mas direkta ang mga punto ni Catriona sa isyu ng “equality” at “rights” ng LGBTQ+ sa sinulat nitong caption sa larawan. Kumpara kay Pia kasi na gumamit pa ng “Ginger Bread” post at saka nanawagang i-translate ang English text sa Tagalog para maintindihan ng netizen ang nais niyang ipahiwatig na mensahe.

Sa caption ni Catriona, nag-suggest ito ng mga paraan para mas maipalaganap ang impormasyon tungkol sa ordinansa sa QC, at malaman ng lahat ang karapatan ng nasabing third sex community sa isang siyudad.

Binanggit din ni Catriona ang “SOGIE bill” at ikinakampanya niyang maipasa ito para maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng LGBTQ.

Sinundan ito ng mensahe na tutol siya sa anumang karahasan sa bawat tao.

“Gusto ko ring pagtuunan ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual) LGBTQ+ man o hindi,” sabi ni Cat.

Nakakuha ng mahigit sa 18,000 likes ang post ni Catriona, at pumalo pa sa mahigit 500 comments. Samantalang mahigit lang sa 15,000 likes ang kay Pia, at 196 lang ang komento.

Isang malinawag na tinalbugan ni Catriona si Pia sa pagsawsaw nilang dalawa sa controversy.

Janine emosyonal sa b-day message kay Monching

Isang ulirang ama na mapagmahal sa kanyang mga anak ang naging deskripsyon ni Janine Gutierrez sa tatay niyang si Ramon Christopher o Monching.

Sa birthday greeting-tribute post ni Janine sa kanyang Instagram ng iba’t ibang larawan ng ama niya, inisa-isa niya ang mga katangian nito.

Ayon sa mensahe ni Janine, ang kanilang ama ang nagsilbing driver, alalay niya sa mga taping noon sa GMA-7. Kailanman ay hindi raw nagreklamo ang kanyang Papa Monching sa pag-aasikaso sa kanilang magkakapatid lalo na sa kanya, na kahit sa Baguio ay inihahatid pa siya nito sa taping.

Patuloy pa ni Janine, sa ama niya nanggaling ang una niyang kalawanging sasak­yan na binili lang raw ni Monching sa halagang P10,000. Pero pinaganda, pinakinis at ginawang astig daw nito ang kanyang first car.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy