Una sa Balita

Catriona super bait, lambing — Annabelle

0 519

Nagkita sa Binibining Pilipinas 2019 grand coronation night sina Annabelle Rama at Jinkee Pacquiao. Umupo si Jinkee sa tabi ni Bisaya dahil binakante na ‘yon ni Mayor-elect Chavit Singson na umalis na raw dahil may party pa sa kanyang office.

Super tsikahan sina Bisaya at Jinkee the whole night at obvious daw na nag-enjoy ang misis ni Senator Manny Pacquiao sa mga komento ni Bisaya sa contestants.

Pagkatapos makoronahan ang winners, go na sina Bisaya at Jinkee, kasama sina Chit Guerrero, Jana Victoria at iba pa sa backstage kung saan ay nakatsikahan nila si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sobrang puri ni Bisaya si Catriona.

“She’s so sweet and nice. Walang ere. Very accommodating. I love her!” sey ni Bisaya.

In fairness to Catriona, natandaan daw niya si Bisaya.

“Sabi ko kasi, ‘Hello, I’m the mother of Richard Gutierrez.’ Sagot naman niya, ‘Of course, Tita, I know you. We’ve met already!’
“Hindi supladita, ang bait!” sabi pa ni Bisaya.

Bisaya inindiyan sina Ruffa, Raymond dahil kay Chard

Aba, kesehodang puyat ang beauty niya, ang aga akong sinundo kahapon ni Annabelle Rama dahil nagpasama siya sa akin para personal na mag-deliver ng ibang invites para sa baptismal cum belated first birthday celebration ng apo niyang si Kai.

Isinabay na rin ni Bisaya ang pagdi-deliver ng tickets para sa Best Night Ever, ang birthday dinner show ni Ruffa Gutierrez sa Marriott Grand Ballroom on June 22.

Puyat-puyatan si Bisaya dahil um-attend siya sa Binibining Pilipinas 2019 Grand Coronation Night sa Araneta Coliseum noong Sunday night.

So, over lunch, nagkuwentuhan kami ni Bisaya tungkol sa beauty pageant na ini-host ng anak niyang si Richard Gutierrez, kasama si Anne Curtis.

Pero siyempre, kinumusta ko muna ang benta ng tickets sa pa-birthday event niya kay Ruffa at almost sold-out na raw Tinanong ko rin si Bisaya kung bumili ba ang isang mayamang nakilala namin.

“Hindi. Ang KUNAT!” ang medyo napalakas na dialogue ni Bisaya napalapit ang waiter at nag-apologize at inakala na ang beefsteak na in-order ni Bisaya ang makunat.

“Ma’am sorry, palitan na lang,” sabi ng waiter at natawa si Bisaya dahil hindi naman ang ulam ang tinutukoy niyang makunat.

Hahaha! Aliw talaga kapag kasama ko si Bisaya, huh!

Dapat ay sa bahay lang nila sa White Plains manonood si Bisaya ng Binibining Pilipinas, dahil pinapunta niya roon ang mga anak na sina Ruffa (kasama ang mga anak na sina Lorin at V­enice) at Raymond Gutierrez, pati si Sarah Lahbati (kasama ang mga anak na sina Zion at Kai).

“Pero last minute, nag-decide ako na pumunta ng Araneta Coliseum, moral support kay Chard.

“Si Ruffa nga, tawag nang tawag dahil pinapunta ko raw sila sa White Plains, pero si Eduardo (Eddie Gutierrez) lang ang nandoon at wala nga ako.

Sabi ko, nagpaluto naman ako, kaya kumain na sila at manood at huwag na akong asahan.

“Ang mga p­inaluto naman nila, puro grilled, like chicken. Puro healthy ang gusto nilang kainin dahil lahat sila nagpapapayat,” sey ni Bisaya.

Richard, Anne malakas ang chemistry

Kailangan nasa Araneta Coliseum daw si Bisaya dahil nag-check siya kung okay ang mga gamit ni Richard including his suits (o, ‘di ba, as if naman si Bisaya ang stylist ng anak at aagawan pa ng trabaho si David Milan).

Gustong-gusto ni Bisaya ang Dior suits ni Richard na bagay na bagay raw sa anak.

Kahapon nga, nang tawagan niya si Richard, ay ikinuwento ni Bisaya sa anak na 3:00 am na siya nakatulog dahil nagbasa pa siya ng mga komento ng fans sa social media tungkol sa hosting ng aktor, pati na rin sa suits nito.

Ikinuwento ni Bisaya sa anak ang nabasa niya na, “Maganda raw ang chemistry n’yo ni Anne sabi ng mga nag-comment. Kahit mag-ex kayo, comfortable kayo sa isa’t isa. Halatang friends daw kayo!”

“Manganak” kaya ng isang movie project or TV series ang Binibining Pilipinas hosting nina Richard at Anne?
Well, sana!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy