Una sa Balita

Catriona sinermunan sa tunay na kahulugan ng Holy Week

0 475

Ang ganda-ganda ni Miss Universe Catriona Gray sa latest Instagram photo niya na umahon siya sa tubig/dagat. Kuhang-kuha nga ang kagandahan niya sa anggulo na ‘yon.

“Plunging into Holy Week like (water). I unfortunately won’t be escaping to the beach this weekend but the beach is where my mind will be! What are your plans this long weekend?” ang caption ni Catriona.

Pero, may mga taong hindi nagustuhan ang post na ito ni Catriona. Feeling nila, hindi nag-o-observe ng Holy Week ang ating Miss Universe, at mas inuuna nito ang pagbabakasyon, pagpunta sa beach, at feeling nila, iniengganyo pa nito ang ibang mga Pilipino na magbakasyon sa dagat, kesa magnilay-nilay.
Heto nga ang ‘kuda’ nila:

annaclarissa30, “No offense but I find the caption and photo distur­bing. Holy Week is about remembe­ring the passion and death of Christ and not going to the beach. But I still love you @catriona_gray.”
maecy, “Holy Week is not about vacationing.”

Siyempre hindi rin nagpakabog ang mga follower ni Catriona sa pagtatanggol sa kanya.

“@maecy Holy Week is about God and family, going back to your roots and be peaceful, blessed with them. That includes having a good vacation time also. Daming sinasabi, iba iba naman and mga paraan kung ipagdiwang ng Pinoy ang holy week.

Kung gusto nilang magbakasyon kasama ang Pamilya para makapagnilaynilay, eh kanila na yun. Kung gusto mo iba, go,” sabi ng isang fan.
Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy