Una sa Balita

Catriona, Sam magdyowa na

0 1,566

Alam mo ba, Dondon, may nagtsika sa akin na marami ang nagdududang there’s something romantic going on between Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby?!

Ang bongga!

Naniniwala ako sa nagtsika sa akin, kaya baka sa 2020, maging open na sina Catriona at Sam sa bagay na ‘yon, huh!

Eh, ngayon pa naman, pareho silang mina-manage ng Cornerstone ni Erickson Raymundo, kaya mas nadadalas ang pagkikita’t pagsasama nila.

Sa Christmas party nga ng Cornerstone the other night ay parehong um-attend sina Catriona at Sam.

Sabi sa akin ng kausap ko, bagay sina Catriona at Sam sa isa’t isa.

Pareho rin daw mabait sina Catriona at Sam, kaya bagay na maging sila, ‘noh?!

Ang bongga!

Sabi pa nga pala ng kausap ko, bagay rin sila sa isa’t isa dahil pareho silang mahilig sa music. Parehong magaling kumanta sina Catriona at Sam, huh!

Teka! Wala kaya silang balak mag-collaborate at maglabas ng isang duet?

Puwede!

Kris balik TV sa 2020

Nagpunta si Kris Aquino sa Christmas party ng Cornerstone.

Nang ihatid ko doon si Annabelle Rama (with Jana Victoria), kaaalis lang ni Kris.

Magiging active kaya ulit ang career ni Kris sa TV ngayong papasok na 2020?

Ang Cornerstone ba ang magiging busy sa paghawak ng career niya?

Well…

Pops 2 boylet ang ka-date sa b-day

Birthday kahapon ni Pops Fernandez!

Kababalik lang nila sa Los Angeles, California kahapon nang katsikahan ko sila.

Galing sila sa Las Vegas, Nevada kung saan sila nag-rehearse ni Martin Nievera para sa second leg ng “Two-gether Again” concert series nila na ang kick-off ay sa Saturday (sa Aratani Theater sa Little Tokyo in downtown LA).

After that, may three more shows sila at babalik ng Philippines bago ang kanilang New Year’s Eve countdown concert sa Solaire.

Sabi ko kay Pops, makakapanood ako ng New Year’s Eve concert dahil doon namin sasalubungin nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang 2020.

Favorite ni Bisaya ang ex-couple, kaya nga noong magkaroon ng special birthday dinner show para sa birthday ni Ruffa Gutierrez ay sobrang tuwa niya nang pumayag sina Pops at Martin na mag-surprise guesting doon.

Sa February rin ay may concert series sa Solaire sina Pops at Martin, kaya ang bongga talaga ng ex-couple. At least, friends pa rin silang dalawa and better na rin naman ‘yon, huh!

Anyway, going back to Pops, bale ngayon pa lang ang birthday niya sa LA at may simple birthday celebration siya with her boys.

Biniro ko si Pops, “Kasama ba si Martin sa ‘boys’ mo?”

“Sina Robin and Ram lang. Hahaha! Si Martin will be in Disneyland with Santino (bunso ng Concert King),” sagot ni Pops.

Sabay nga pala sina Pops at Martin na nag-LA from Las Vegas, pero, “But separate destinations. Hahaha!”

Biniro ko ulit si Pops, “Hindi bale, ‘fan’ n’yo naman si Anj (del Rosario, Martin’s girlfriend)!”

“Hahahahaha!” ang mahabang tawa ni Pops.

In fairness, good friends sina Pops at Ann, huh!

Kapag nagsu-show nga sina Pops at Martin at walang chargen (idiot board), si Anj pa ang may hawak ng malaking iPad na nagku-crawl ang lyrics ng kinakanta ng ex-couple, huh!

Ganoon kabongga ang friendship nila which is so nice!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy