Una sa Balita

Catriona pinuri sa paggamit ng ‘po’, ‘opo’

By
0 688

Pinuri si Miss Universe 2018 Cat­riona Gray ng mga nakasabay nitong Pinoy passengers noong dumating ito sa JFK International Airport in New York City.

Habang naghihintay daw ng kanyang mga bagahe si Catriona, na­ging very accommodating daw ito sa mga gustong makipag-selfie sa kanya. Lagi raw itong nakangiti at hindi raw bakas sa mukha nito na pagod ito sa mahabang biyahe mula sa Pilipinas.

Kapag sumasagot daw ito sa mga tanong sa kanya, lagi raw itong may “po” at “opo.” Kaya sinabi ng isang female passenger na “sobrang magalang” ang bagong Miss Universe.

Noong pinasok na raw sa malaking van si Catriona ng dalawang escorts nito para dalhin sa kanyang apartment sa NYC, nag-request si Catriona sa kanyang security officer na kung puwede ay buksan nito ang pintuan ng van para makapag-goodbye siya sa kanyang mga fan na matagal na naghintay sa kanyang pagdating sa NYC.