Una sa Balita

Catriona perfect para sa ‘Good Morning America’ host

0 866

Ni: Ruel Mendoza

Masayang-masaya ang naging 25th birthday ni Miss Universe 2018 Catriona Gray noong nakaraang January 6 dahil umabot na sa hi­git na 4 million ang kanyang followers sa Instagram.

Wala pang isang buwan simula noong manalo si Catriona bilang Miss Universe pero dumagsa ang maraming followers niya na binati siya sa kanyang kaarawan.

Nataon naman na nasa New York na siya para maghanda sa kanyang media tour bilang Miss Universe. Heto ang happy post ni Catriona sa IG:

“Feeling from all the birthday love! Thank you so much to everyone who sent in their messages! Also we’re 4MILLION strong, thank you for joining along in this amazing journey!”

Nagsimula ang media tour ni Catriona sa Good Morning America kunsaan meron siyang sit-down interview with GMA host Ginger Zee. Bukod sa kanyang pagkapanalo ay pinag-usapan din ang kanyang advocacy for children’s education.

Proud na i-discuss ni Catriona ang kanyang pagtulong sa mga bata sa Tondo, Manila. Isa nga sa passion niya ang tumulong sa maraming kabataan sa pamamagitan ng kanyang organization na Young Focus.

After ng interview, tinawag ni Zee si Catriona na “gorgeous inside and out.”

Noong malaman pa ni Zee na isang music theory graduate at isang trained singer si Catriona, heto ang nasabi ni Zee.

“Well, obviously you’re perfect, and that’s why you won Miss Universe!”
In between ng kanyang media tour ay nag-pose for photos si Catriona sa streets of New York para ma-post niya sa IG.

“Take a walk on the wild side. Day 1 of @missuniverse media week was amazing! So excited for day 2!!

Photographer: @thestewartofny, styled by @marquis.bias in @karen_millen dress, @cristinasabatini je­welry.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy